Posts

Sat With Ree: Semana Santa

Image
Kumusta? Eto na naman po ako dahil Sabado na ulit. Alam mo ba kung normal lang sana ang mundo nasa Talahib sana kami ngayon. Kaso hindi eh. Yon kasing sa Station of the Cross sa bahay namin lagi huling dinadala bago dalhin sa chapel kinabukasan. Eh ngayon yong last day. Akala ko nga makakauwi kami ngayon kasi diba medyo lumuwag na yong quarantine nong isang araw tapos biglang eto na naman. Last year nga hindi na kami nakauwi kasi mas mahigpit tsaka pinatigil din yong pag-e-station of the cross. Hopefully back to normal na next year para makauwi na ulit kami at makalanghap naman ng fresh air at makapanungkit ng hilaw na mangga. Mas masarap kasi ang mangga kapag ikaw mismo yong naghirap na sumungkit. Don kasi sa tabi ng bahay namin don may puno ng mangga kaso may harang na pader. Pero mababa lang naman yong pader. Kapag umuuwi kami don tagmangga kaya nakakapanungkit ako. Favorite ko yon eh. Indian mango na hilaw tapos isasawsaw sa toyo na may sili o kaya kapag sinuswerte at may alamang. ...

Sat With Ree: Hashtag "Tita"

‎Hey, hey, hey. Kumusta naman ang life? I hope that everything is going well with your life. Kung may pinagdadaanan ka man ngayon sa buhay eh sana eh maging malakas ka sa pagharap sa mga kinakaharap mo. (Puro na harap.) Sana ay mapalakas ka ng bawat pagsubok mo sa buhay. Ika nga ni Kelly Clarkson eh: What doesn't kill you makes you stronger  Stand a little taller  Doesn't mean I'm lonely when I'm alone  What doesn't kill you makes a fighter Anyway...nabasa mo ba yong blog ko dati about sa uri ng mga mamimili sa sari-sari store? Kung nabasa mo yon alam mo na kung ano yong nakakapaglagay ng dugo ko sa "boiling point." One word. Say it and you can go to hell. Charing. Hashtag "Tita." Nakakainis diba kapag may tumatawag sa'yo na tita kahit na mas matanda pa sya sa'yo ng ilang dekada o minsan naman eh mas bata lang naman sa'yo ng mga five years. Maka-tita wagas. OA na kung OA pero nakakainis siya. Haha. Nakaka high-blood ho. Me tindahan k...

Sat With Ree: Isang Taon Na Tayo, Agad-Agad

Image
‎Uy. Sabado na ulit. Kaya andito na naman ako para kumuda. Ayon na nga. One year na tayo sa quarantine life, agad-agad. Who would've thought na aabot tayo ng one year? At parang mas tatagal pa dahil dumadami na naman ang bilang ng mga nag-po-positive. Parang nong nagkaroon ng vaccine nakampante na ang mga tao kaya nagsisilabasan na ata kahit walang suot na face mask at faceshield. Wag ganon.  Parang kelan lang nong tumigil ang mundo ng halos lahat ng tao sa buong mundo. Sa pagkakatanda ko March 13, 2020 nag-start ang lockdown. Friday the 13th yon diba? Night before ako matulog non akala ko sa NCR lang yong lockdown tapos paggising ko buong Pilipinas pala. Good thing is nakagala ako day before nag-lockdown. Hindi man siya totally gala kasi saglit lang din pero at least. Yon yong huli kong labas na normal pa ang outside world. Hindi pa non uso ang face mask at marami pang tao sa mall. Nakakamis. Sanay naman ako na hindi lumalabas ng bahay pero nakakamis pa rin yong may option ako na ...

Sat With Ree: LANY Live In Manila 2018

Image
Hey... wazzup? Marso na ulit. Malapit nang mag-anniversary sa quarantine life. Kumusta naman ang pasok ng Marso? Naging marupok ka rin ba gaya ko dahil hindi nalabanan ang temptasyon na dala ng 3.3 sale? Yieeeeee. Aminin. Haha. Kaka-pressure sya, in fairness. Kasi habang nag-aatubili ka na mag-check-out kasi ayaw mong gumastos eh andyan din yong "sayang naman.ang mura lang.bukas mahal na ulit 'to." Kaya naman........check-out pa more.🤭 Anyway..... back to the real subject—LANY Live In Manila 2018. This happened almost 3 years ago, April 6,2018 to be exact pero ngayon lang ako nagka-time na magsulat tungkol dito dahil naging busy ako nong mga nagdaang panahon. Charing. Ang totoo niyan ngayon lang kasi ako sinapian ng espiritu ng kasipagan.  Inuunahan na kita, may pagka-nobela ito ha. Kaya kumuha ka na ng popcorn.🍿 Char. Dati ko pa gusto sila panuodin nong pumunta sila ng Glorietta. Kaso hindi ko pinush kasi sabi ko malamang gagabihin ako pag-uwi eh malayo pa ang biyahe p...

Sat With Ree: Naniniwala Ka Ba Na First Love Never Dies?

Hey. What's up? Ang bilis ng araw. Last day na ng February bukas. Since February pa naman magpapaka "love expert" muna ako. Kunwari lang naman. Pagbigyan niyo na. Last ko na 'to.....this year. Next year ko na uulitin.  Ang tanong........... Naniniwala ka ba sa "first love never dies?" Ako? Oo. Bakit? Eh bakit ka ba nangingialam eh sa yon ang paniniwala ko eh. Naniniwala ako kasi wala lang. Basta naniniwala ako. Haha. Seryoso na.  Naniniwala ako na laging may space si first love sa puso ng may first love. (Ha? Ano daw?) Tipong kahit hindi nagtapos sa maganda yong relasyon nila eh hindi mawawala si first love sa puso. Hindi naman kasi nangangahulugan na porke first love eh siya yong kauna-unahang naka-relasyon. Hindi lahat ng nauna ay mahal o minahal. May iba nga na hindi niya naka-relasyon pero kino-consider niya na first love. Ang first love kasi siya yong unang tao na nagturo sa'yo kung paano ang umibig at paano magmahal ng ibang tao bukod sa pamilya at...

Sat With Ree: Wag Kang Martir

Image
Sabi nila bawal daw sumuko. Laban lang daw. Pero paano kung nasasaktan ka na? Paano kung nahihirapan ka na? Lalaban ka pa ba? Kaya siguro madaming kriminal ang nakakatakas, kasi sabi nila "wag susuko." Char. (Last ko na 'yon. Pramis.) Minsan ang pagsuko ay hindi nangangahulugan ng kahinaan. When things become too overwhelming and you can't take it anymore, somtimes you have no choice but to give up. In love, in life—in general, it's okay to give up.  Madaling sabihin pero mahirap gawin. Lalo na kung importante sa'yo ang bagay na kailangan mong i-let go. Kapag gustung-gusto mo ang isang bagay gagawin mo ang lahat para makuha mo ito. Parang sa pag-ibig, kapag gustung-gusto mo ang isang tao mahirap siyang pakawalan kahit pa siya na mismo ang nagsasabing ayaw na niya. Minsan sinusubukan mo pang ayusin kasi nga.......baka naman pwede pa. Kaso may mga bagay kasi na mahirap ipilit—mga bagay na hindi talaga mapapa sa'yo kahit pa anong gawin mo. Kaya ang tanging op...

Sat With Ree: A NBSB's PoV About Love

Image
Hey... Happy Saturday at Kung Hei Fat Choi kahapon. Start na officially ang Year of the Ox. What are your hopes and expectations sa pagpasok ng Year of the Ox? Pare-pareho naman siguro ang hangad natin. At iyon ay ang sana ay matapos na ang pandemic para bumalik na sa normal ang mundo. Yong tipong facemask-free na ulit kapag lumalabas ng bahay. Mas nakakapagod kasi maglakad kapag naka-face mask at naka-face shield lalo na kapag minsan ka lang lumabas ng bahay kaya hindi ka sanay.  Uyyyyy. Valentine's Day na bukas. Yieeeeeee. San ang date? Sana ol may date. Charing. Wag kalimutang i-date si Lord ha. Sunday bukas. Since Valentine bukas let's talk about Halloween. Char. Syempre heart-to-heart talk tayo. Usaping pag-ibig o sa wikang ingles ay 'love.' L-O-V-E. Love.  Madaming depinisyon ang salitang 'love.' Pero ang pinaka-paborito ko ay yong kay Michael Faudet na nagsasabing:  Burn all the dictionaries, tear up the tired metaphors, and tell the poets to go to hell....