Posts

Showing posts from July, 2026

Let It Go

"Let it go" 3 words,7 letters, madaling bigkasin, mahirap gawin.  Paano nga ba ang magpalaya? Wow! Big word. "Magpalaya."  Paano nga ba palayain ang mga bagay o tao na matagal nang nagpasyang umalis sa buhay natin? Siguro hindi na kailangang palayain, kasi umalis na nga diba? Siguro ang kailangan na lang ay ang pagtanggap. Tanggapin na ang ngayon ay hindi na tulad ng dati.  Mahirap baguhin ang nakasanayan na. Na para bang mag-uumpisa ka na naman sa simula. Pero hindi naman siguro kailangang magsimula sa umpisa. Ang kailangan lang ay ang magpatuloy. Magpatuloy sa buhay, pero sa puntong ito sa panibagong bersyon mo. Ang bersyon na wala na ang mga bagay na dati ay hawak mo lamang. Ang bersyon na hindi na kasama ang mga tao na inakalang mong habang buhay mong makakasama.  Sa puntong ito hindi mo na kailangang ipilit na makasama sila dahil sila na mismo ang nagpasyang umalis. Marahil ay wala sa iyo ang pagkukulang. At hindi din nila kasalanan na nagpasya silang iwanan ka...