Let It Go
"Let it go" 3 words,7 letters, madaling bigkasin, mahirap gawin.
Paano nga ba ang magpalaya? Wow! Big word. "Magpalaya."
Paano nga ba palayain ang mga bagay o tao na matagal nang nagpasyang umalis sa buhay natin? Siguro hindi na kailangang palayain, kasi umalis na nga diba? Siguro ang kailangan na lang ay ang pagtanggap. Tanggapin na ang ngayon ay hindi na tulad ng dati.
Mahirap baguhin ang nakasanayan na. Na para bang mag-uumpisa ka na naman sa simula. Pero hindi naman siguro kailangang magsimula sa umpisa. Ang kailangan lang ay ang magpatuloy. Magpatuloy sa buhay, pero sa puntong ito sa panibagong bersyon mo. Ang bersyon na wala na ang mga bagay na dati ay hawak mo lamang. Ang bersyon na hindi na kasama ang mga tao na inakalang mong habang buhay mong makakasama.
Sa puntong ito hindi mo na kailangang ipilit na makasama sila dahil sila na mismo ang nagpasyang umalis. Marahil ay wala sa iyo ang pagkukulang. At hindi din nila kasalanan na nagpasya silang iwanan ka. Siguro nasa punto lang kayo ng buhay ninyo na kailangan ninyong mabuhay na wala ang isa't-isa. Para malaman ninyo ang importansya ng bawat isa. At darating kayo sa punto na malalaman niyo na kaya niyo naman palang mabuhay ng hindi kayo magkasama.
Mahirap, pero kinaya at kakayanin. Kailangang kayanin dahil hindi ninyo kontrolado ang isip ng bawat isa. May kani-kaniya kayong buhay at may kani-kaniya kayong plano. At ang planong iyon ay hindi ninyo kasama ang isa't-isa. Maaaring ikaw ay gusto mong kasama siya, pero hindi ganon ang gusto niya.
Kaya huwag mo nang ipilit. Bitawan mo na. Tanggapin mo na. Hayaan mo na. Masakit pero iyan ang realidad ng buhay.
Let it go. Let them go.
au revoir. 😊
Comments
Post a Comment